Pages

Friday, January 23, 2015

Luha


Sa gitna ng kalungkutan
Ikaw laging maaasahan,
Nandiyan ka lang palagi
Sa mga oras na di mawari.

Sa bawat pag-agos mo
Sakit ay naiibsan,
Pait na nararamdaman
Iyo laging pinapagan.

Sadya ngang misteryo nitong buhay
May saya at sadyang may lumbay,
Pero nariyan ka
Sa mga oras na wala ang ligaya.

Huwag mo rin sana akong iwan
Ikaw na siyang lagi kong takbuhan,
Kaibigan ka man ng kalungkutan
Lagi ka pa ring maaasahan.

Luha, ikaw ay kaibigan
Ng mga taong pait ang nararamdaman.



1 comment: